1. partners for life,..

    partners for life,..

    (via turtle-crossing)

    1 month ago  /  29 notes  /  Source: nervous-hands-and-anxious-smiles

  2. 1 month ago  /  6 notes  /  Source: psilov3y0u

  3. lightboxes:

(by davidboysoncooper)

    lightboxes:

    (by davidboysoncooper)

    1 month ago  /  9,656 notes  /  Source: Flickr / boyson

  4. Ulan

    Wow! Uulan, yan ang bungad sa akin ng ulap ng paglabas ko mula sa aking trabaho, dali-dali akong pumasok ng kwarto at nagpalit ng pambahay. Lumabas, inabangan ang pagbagsak ng ulan, umambon, ambon na nambibitin, antay lang, ngunit ilang minuto na ang nagdaan ambon pa rin na di kayang basain ang buo kong pagkatao. Hay! Puno ng panghihinayang, pumasok ulit ako ng kwarto at nagbabad sa laptop habang nakikiramdam sa pagbagsak ng ulan. Ulan na matagal kong inabangan, ulan na kayang damayan ang kalungkutan ko, ang ulan ang tanging kanlungan ko pag nais kong maglabas ng sama ng loob.

    Kailan nga ba ang huling beses na naligo ako sa ulan? Hindi ko na matandaan dahil na rin siguro sa tagal ng panahon, kasabay ng pag-iwan ko sa Pinas ang pangungulila ko din sa ulan. Isa akong manggagawa dito sa gitnang silangan, at mahigit ng dalawang taon na akong naninirahan dito. Kaya naman sabik na sabik ako sa ulan bukod sa mga pagkaing pinoy ang ulan ang lagi kong inaabangan na alam kong madalang lang mangyari dito sa gitnang silangan. Pano’y pag-umuulan di ka pwedeng maligo at magtampisaw dahil sasabay ang alikabok sa pagbuhos ng ulan, kaya para ka na ring naligo sa alikabok, pero kanina sa sobrang pananabik ko sa ulan wala na akong pakiaalam kung kasama ng ulan ang alikabok na bubuhos sa aking katawan. Ngunit kung kailan handa na akong suungin ang ulan di naman bumagsak, puno ako ng panghihinayang.

    Siguro kulang ang limang oras na itatagal ng ulan sa sama ng loob na gusto kong ilabas, sa tagal kong kinimkim sa aking dibdib ang pighati at pasakit na aking nararamdaman di agad ito maiibsan ng ulan. Kung ang mga kababayan ko na ayaw ng tag-ulan lalo na yung malakas na ulan na pwedeng maghatid ng bagyo ako naman ay kakaiba, gusto ko ng malakas na buhos ng ulan na tila walang katapusan na para bang lulunurin niya pati kaluluwa ko. Marami akong pangarap na di natupad, napadpad ako sa lugar na di ko pinangarap puntahan, ang lahat ng pagsisikap ko puro para sa sarili ko na lamang, pano wala na ang aking pinakamamahal na ina na pinangakuan ko ng magandang buhay, wala ng saysay. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Pero pati ata ang pangarap kong magkapamilya ay malabo na din siguro, bale bata pa naman ako at may nobyo, dalawa pa nga eh pero wala akong kasiguraduhan sa kanila, okay sa isa alam kong wala na talagang pag-asa na mauuwi kami sa dambana, pero ang isa na itinuturing kong buhay ko at ibig kong makasama habang buhay ay tila pinaghihintay pa din ako, hindi ko alam kung kailan o kung may mahihintay nga ako. Kung malapit na ba o may malabong pag-asa na lang akong natitira? Ah! isa yan sa mga dahilan kung bakit inaabangan ko ang ulan, gusto kong damayan niya ako sa aking kalungkutan, kalungkutan na walang nakakaalam kundi ang sarili ko lang, dahil ang lungkot ko ay natatakpan ng ngiti, ngiting nagpapanggap lang, ngiting walang kasing pait, ngiti na minsan di ko na maatim dahil sa puso ko alam ko kung ano ang tunay kong nararamdaman.

    Hanggan kailan ako magpapanggap? Hanggang kailan ako mag-aabang ng ulan? Natatakot ako na baka sumapit na ang dapit hapon hindi pa rin dadating ang ulan na matagal ko ng inaasam-asam! Ang ulan na bubuhos sa katawan ko kasabay ng pangakong sasamahan ako sa aking pag-iisa, sasamahan akong ibuhos ang aking sama ng loob at paaapulahin ang nagliliyab kong damdamin.

    Siguro itataon ko na lang ang bakasyon ko sa Pinas sa buwan ng tag-ulan para tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko, doon siguradong di ako bibitinin ng ulan na kahit ibulong o isigaw ko sa kanya ang aking nararamdaman sasamahan niya pa rin ako, baka magsawa pa nga ako pero sana hindi pa huli ang lahat.

    1 month ago  /  0 notes

  5. 1 month ago  /  0 notes

  6. playing with life…

    playing with life…

    1 month ago  /  0 notes

  7. it’s all about life…
everything’s fine and perfect!!!

    it’s all about life…

    everything’s fine and perfect!!!

    1 month ago  /  0 notes

  8. 2 years ago  /  Notes

  9. 2 years ago  /  Notes

  10. 2 years ago  /  0 notes